2 bangkay na nakabalot ng plastic, natagpuan sa Makati City

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Dalawang bangkay ng lalaki na binalot ng itim na plastic bag ang natagpuan sa Kalye Estacion, Brgy. Pio Del Pilar, Makati City kaninang 1:45 ng madaling araw.

Ayon kay Senior Insp. Valmark Funelas, Police Community Precinct commander ng Station 3, posibleng sa lugar pinatay ang dalawa dahil nagkalat ang basyo ng .45 caliber.

Sinabi pa ni Funelas na isang batang hamog na natutulog malapit sa lugar ang nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nang lapitan nito ang lugar nakakita siya ng itim na garbage bag at agad nagsumbong sa barangay.

Sa una ay inakalang bomba ang laman ng garbage bag kaya tumawag ang barangay ng bomb squad, pero nang makita na bangkay pala ang laman nito, saka sila tumawag ng scene of the crime operatives (SOCO).

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen 10 basyo ng caliber .45 at dalawang karatula na may nakasulat na “#Nagmahal #nasaktan #nagtulak #nagbasagkotse #namatay.”

Read more...