Akusasyong peke ang ambush sa Marawi City, pinabulaanan ng Palasyo
Pumalag ang Palasyo ng Malacañang sa akusasyon sa social media na hindi umano totoong inambush ang convoy ng mga sundalo at ng Presidential Security Group (PSG) sa Marawi City kamakalawa.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Michael Kristian Ablan, hindi isasakripisyo ng gobyerno ang buhay ng mga sundalo para lamang mabigyang katwiran ang pinapalutang na isyu ng suspension ng privilege of habeas corpus.
Tinawag ni Ablan na conspiracy theory ang nais palabasin sa social media dahil salat ito sa katotohanan.
Hiniling naman ni Ablan sa publiko na maging maingat at palaging i-verify ang mga balita at impormasyong natatanggap at nababasa sa social media.
Batay sa kumakalat sa social media, hindi umano totoong pinasabugan ng improvised explosive device ang mga miyembro ng PSG na advance party ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi, bagkus ay aksidente umanong nabaril ng mga sundalo ang convoy na ikinasugat ng pitong PSG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.