Pagbuwag sa ERC, aaksyunan ng liderato ng Kamara

By Isa Avendaño-Umali December 01, 2016 - 04:50 AM

Alvarez2-0615Ipinaaaral na ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa House Committee on Energy ang pagbuwag sa Energy Regulatory Commission o ERC.

Ayon kay Alvarez, pinayuhan na niya ang komite hinggil sa kung ano ang dapat na gawin sa ahensya.

Ang ERC ay nahaharap ngayon sa kontrobersiya matapos na magpakamatay si Director Francisco Villa Jr. dahil sa panggigipit umano sa kanya at sa mga iregularidad sa Bids and Awards Committee.

Sinabi naman ni Committee on Energy Chairman Lord Allan Jay Velasco na magsasagawa sila ng pagdinig sa susunod na Linggo.

Napagkasunduan ng kanyang lupon na magsagawa ng hiwalay na pagdinig tungkol sa korapsyon sa ERC.

Ilan sa mga planong irekumenda ay ang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law na siyang lumikha sa ERC, pagbuwag sa komisyon at ipasa sa Department of Energy ang generation at supply ng power industry, o kaya ay paglalatag ng istriktong polisiya at batas para maproteksyunan ang ERC sa anumang iregularidad.

Inaasahang gigisahin at haharap sa susunod na pagdinig ang mga opisyal ng ERC, lalo na ang mga sabit sa alegasyon ng katiwalian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.