Donald Trump, handa nang iwan ang kaniyang business empire

donald trumpMismong si US President-elect Donald Trump na ang nagsabi na iiwanan na niya ang kaniyang business empire upang ituon ang kaniyang atensyon sa pagiging sunod na pangulo ng kanilang bansa.

Ginawa rin ni Trump ang desisyon, bilang pagsuko sa pressure na kaniyang nararanasan upang maiwasan ang mga posibleng conflicts of interest sa pagitan ng pagiging pangulo at pag-kita sa kaniyang mga negosyo sa pribadong sektor.

Ayon kay Trump, iiwanan na niya ang kaniyang negosyo para matutukan ang pagpapatakbo sa bansa at maisakatuparan ang kaniyang pangakong “make America great again.”

Bagaman hindi naman aniya nakasaad sa batas na kailangan niyang iwan ang kaniyang mga negosyo, nararamdaman niyang kailangan niya itong gawin bilang sunod na pangulo.

Dagdag ni Trump, inaayos na ang mga legal na dokumento para tuluyan na siyang maalis sa mga business operations dahil hindi hamak na mas mahalagang tungkulin ang pagiging presidente ng bansa.

Samantala, kinumpirma naman ni dating Goldman Sachs executive Steven Mnuchin na dating campaign finance director ni Trump, na siya ang napili ng sunod na pangulo na maging treasury secretary, habang ang bilyonaryong si Wilbur Ross naman ang napiling maging commerce secretary.

Read more...