PAGCOR chair, tinangkang suhulan ng gambling lord

By Kabie Aenlle December 01, 2016 - 04:45 AM

INQUIRER file photos
INQUIRER file photos

Ibinunyag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na bukod sa kaniya, tinangka rin ng Macau based na gambling lord na si Jack Lam na suhulan si Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chair Andrea Domingo.

Una nang inilantad ni Aguirre ang tangkang panunuhol sa kaniya ni Lam ilang araw matapos masukol ng mga otoridad ang operasyon ng kaniyang online games na hindi lisensyado at may mga tauhan pang illegal aliens sa Clark Freeport sa Pampanga.

Sa hiwalay na pagkakataon aniya ay ginawa rin ito ni Lam kay Domingo, para naman payagan siyang ituloy ang online gaming operations ng Fontana Leisure Parks and Casino sa Clark, habang nag-aapply pa siya ng lisensya.

Kwento ni Domingo kay Aguirre, inalok siya ni Lam ng 1-percent na hati sa kaniyang kikitain sa casino.

Matapos aniya ang nasabing alok, nawalan na ng gana si Domingo na makipag-usap kay Lam at sinabihan na lang ito na bayaran ang 10-percent cut ng gobyerno sa kaniyang kita sa casino at na kumuha muna ng lisensya bago ituloy ang online gaming operations niya sa bansa.

Samantala, maliban sa pagtanggi sa alok sa kaniya ni Lam, pinagsabihan niya rin aniya ito na tigilan ang panunuhol sa mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) para pakawalan ang mga Chinese nationals na nahuling nagtatrabaho sa Fontana nang walang permit.

Umabot sa 1,316 na Chinese nationals ang nahuli ng mga otoridad na iligal na nagtatrabaho dito sa bansa, sa online gaming na negosyo ni Lam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.