Isang Romanian, arestado dahil sa ATM hacking sa Makati City

ATMTimbog ang isang Romanian national sa Makati City matapos subukang mag-withdraw sa isang automated teller machine (ATM), gamit ang isang skimming device.

Nakilala ang 34-anyos na suspek na si Iulian Cristian Pintilie.

Ayon sa pulisya, namamalagi ang suspek sa Red Planet Hotel sa Urban Street, Brgy. Pio del Pilar sa Makati City.

Naaktuhan si Pintilie na nagwi-withdraw ng pera gamit ang mga forged cards at isang skimming device sa BPI ATM sa Salcedo St., Legaspi Village kahapon ng umaga.

Naaresto ng mga miyembro ng Makati Police Community Precinct 5 ang suspek, sa pamumuno ni Senior Insp. Roman Salazar Jr.

Read more...