Maute Group nasa likod ng pagpapasabog sa mga miyembro ng PSG
Kinumpirma ng militar na Maute group ang nasa likod ng pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa Marawi City na ikinasugat ng pitong miyembro ng Presidential Security Group at ikinasugat ng dalawa pang sundalo.
Ayon kay Col. Generoso Ponio, Deputy Commander ng 103rd Brigade ng Philippine Army na wala nang iba pang grupo na maaring gumawa ng pagpapasabog.
Ang bomba aniya na ginamit ay gawa sa 60 mm mortar na trademark ng Maute Group.
Ang mga nasugatang PSG members ay pawang bahagi ng advance party ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero sa kabila ng pag-atake, natuloy pa rin ang pagbisita ni Duterte sa Marawi City ngayong araw.
Sinabi naman din ni Lt. Col. Benedicto Manquiquis, spokesman ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, na ang main suspect nila ay ang Maute Group.
Ang bomba aniya na ginamit at kapareho ng pinasabog sa Davao City bombing.
Matatandaang umabot sa labing lima katao ang nasawi sa pambobomba sa Davao City Night Market noong September 2.
Naaresto na ng pulisya ang mga suspek sa pambobomba na walong miyembro rin ng Maute Group.
Ayon pa kay Manquiquis, diversionary tactics ito ng grupo dahil naka-focus ang operasyon ng militar laban sa kanila sa bayan ng Butig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.