Pahayag ni Duterte laban sa human rights group biro lang ayon sa Malacañang

By Chona Yu November 30, 2016 - 08:23 PM

Duterte-China1
Inquirer file photo

Hindi pagbabanta kundi paglalabas lamang ng pagkadismaya ang ginawang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin niya ang mga human rights activists na patuloy na pumupuna sa kanyang anti-illegal drug campaign.

Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Kris Ablan, walang intensyon ang pangulo na takutin ang sinuman.

Apela ni Ablan sa publiko na suriin ang aksyon ng pangulo sa halip na tutukan ang kanyang mga pananalita.

Inihalimbawa pa ni Ablan na hindi naman sinisikil ng pamahalaan ang media at mga kritiko na bumabanat sa administrasyon.

Nauna ng sinabi ng pangulo na hindi siya mag-aatubili na isama sa kill list ang mga human rights activist na krikital sa kanyang kampanya kontra sa ilegal na droga.

TAGS: ablan, duterte, Human Rights, ablan, duterte, Human Rights

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.