PNP may bagong lead sa tangkang pagpapasabog ng bomba sa Maynila
Inimbitahan ang dalawang “persons of interest” ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) kaugnay sa nagtapon ng improvised explosive device malapit sa U.S Embassy.
Paglilinaw ni NCRPO Dir. Oscar Albayalde, hindi arestado ang dalawa dahil wala naman aniyang naihaing warrant of arrest laban sa kanila.
Unang inimbitahan ng mga pulis si Rayson Kilala alyas “Rashid” residente sa Barangay Bagumbayan sa Bulacan, Bulacan kagabi at isang taga-Caloocan City kaninang umaga.
Naimbitahan aniya ang dalawa base sa mga payahag ng mga nagsilbing witness at sa inilabas na artist sketch ng Manila Police District kung saan isa dito ay kahawig ang nasa sketch.
Ayon pa kay Albayalde, hindi pa tiyak kung may ugnayan ang dalawa dahil hiwalay ang gagawing interogasyon sa mga ito.
Dagdag pa ng opisyal, posibleng may targetin pa silang ibang mga personalidad depende sa resulta ng pakikipagpanayam sa dalawa.
Sa ngayon, kasalukuyang dumadaan sa masusing imbestigasyon ang dalawa sa MPD Headquarters.
Bukas ay isang press conference ang ipatatawag ng PNP kaugnay sa nasabing development.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.