Naaresto na sa Bulacan ang suspek na nag-iwan ng bomba sa Baywalk noong Lunes, malapit sa US Embassy.
Nadakip ang suspek na si Rayson Kilala alyas “Rashid”, 34 anyos at residente ng Barangay Bagumbayan, Bulakan, Bulacan.
Ayon kay Sr. Supt. Romeo Caramat, Bulacan police provincial director, nadakip si Kilala alas 9:30 ng umaga ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Bulacan Police.
Nakatakdang dalhin sa MPD ang nasabing suspek.
Kahapon ay inilabas ni Philippine National Police chief, Director General Ronald Dela Rosa ang artist sketch ng suspek.
Sakay ng taxi, itinapon umano ng suspek ang IED na may 81MM mortar sa isang basurahan sa Baywalk na natuklasan naman ng isang street sweeper dahilan para mai-detonate ito ng bomb squad.