Dumating sa bansa si Manalo sakay ng Philippine Airlines flight PR-669 pasado alas 8:00 ng umaga.
Sinalubong siya ng kapatid na si Bianca Manalo.
Noong November 25 ginanap ang coronation night para sa Miss Globe 2016 sa Albania, pero hindi naianunsyo noon na nagwagi si Manalo bilang 3rd runner-up.
Paliwanag ng organizers, nakalimutan kasi ng emcee na basahin ang nilalaman ng sobre para sa 3rd runner-up at 4th runner-up.
Dahil dito, nagsagawa na lamang ng belated coronation para kay Manalo at sa nagwaging 4th runner-up na si Miss South Africa.