153rd Birthday ni Gat Andres Bonifacio, ipinagdiwang sa Maynila; Mayor Erap bigong makadalo

By Angellic Jordan, Ricky Brozas November 30, 2016 - 10:18 AM

Bonifacio Shrine Manila City Hall | Kuha ni Angellic Jordan
Bonifacio Shrine Manila City Hall | Kuha ni Angellic Jordan

Ipinagdiwang sa Lungsod ng Maynila ang ika-153rd na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Nagsagawa ng wreath-laying ceremony sa Liwasang Bonifacio ganap na alas 8:00 ng umaga.

Sa nasabing aktibidad, sinariwa din ang kadakilaan at kabayanihan ni Bonifacio.

Nabigo naman si Manila Mayor Joseph Estrada na makadalo sa pagdiriwang dahil namamaga at masakip umano ang ngipin nito.

Sa halip, ang ibang mga opisyal ng Manila City Hall at mga mag-aaral mula sa dalawang State University sa lungsod ang dumalo sa aktibidad.

Samantala, sa Bonifacio Monument naman sa Caloocan, alas 7:00 pa lamang ng umaga sinimulan na ang aktibidad sa pamamagitan ng flag-raising at wreath laying ceremony.

Dumalo sa seremonya si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, Rep. Along Malapitan at Rep. Edgar Erice.

Present din ang mga kaanak ni Gat Andres Bonifacio kabilang ang apo niya sa pamangkin na si Paolo Bonifacio.

Ang Monumento Circle ay isinara sa daloy ng trapiko mula hatinggabi hanggang mamayang alas 11:59 ng gabi.

TAGS: Bonifacio Day, Bonifacio Shrine, caloocan, Liwasang Bonifacio, manila, Monumento Circle, Bonifacio Day, Bonifacio Shrine, caloocan, Liwasang Bonifacio, manila, Monumento Circle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.