Akusasyong peke ang ambush sa mga PSG at tauhan ng Phil Army sa Marawi, pakana ng Maute Group ayon sa AFP

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2016 - 08:53 AM

Marawi-City.8Hindi umano patas na akusahan na peke o gawa-gawa lang ng pamahalaan ang naganap na ambush kahapon sa Marawi City na ikinasugat ng pitong miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at dalawang tauhan ng 103rd Brigade ng Philippine Army.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office chief, Col. Edgard Arevalo, sa siyam na nasugatan, dalawa ang kritikal.

Halos magbuwis aniya ng buhay ang tropa ng pamahalaan kaya hindi tama ang mga akusasyong pineke ang ambush.

Sa mga ipinakakalat na balita sa Marawi City, itinatanggi umano ng mga residente sa Barangay Emi na mayroong pananambang na nangyari.

Sa pahayag umano ng mga residente doon, isa sa mga sundalo na sakay ng military truck ang nagpaputok gamit ang kaniyang service firearm.

Dahil dito, ang convoy na nakabuntot sa kanila ay inakala na sila ay tinatambangan kaya nagpaputok din sa palibot ng lugar kung saan may mga puno at kabahayan.

Wala din umanong nakita ang mga residente na fragments o wasak na sasakyan na bahagi ng convoy matapos ang sinasabing pagsabog ng IED.

Pero sa mga larawan mula sa 103rd brigade, may ipinakitang helmet ng isa sa mga sundalo na may tama ng bala ng baril.

Ang sasakyan na gamit ng PSG ay nakitaan din ng dalawang tama ng bala ng baril malapit sa logo nito.

Sinabi ni Arevalo na posibleng pakana lamang ng Maute Group ang pagpapakalat ng balitang peke ang ambush.

Samantala, ngayong araw, sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lanao Del Sur nais niyang mapuntahan ang mga sugatang PSG at sundalo.

TAGS: AFP, ambush in Marawi City, Maute Group, Philippine Army, PSG, AFP, ambush in Marawi City, Maute Group, Philippine Army, PSG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.