Monumento Circle sa Caloocan isinara sa daloy ng traffic ngayong Bonifacio Day

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2016 - 06:40 AM

Para bigyang-daan ang preparasyon at mga aktibidad para sa ika 153 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, isinara na sa daloy ng tapiko ang Monument Circle.

Simula kaninang alas 12:01 ng madaling araw sarado na ang Monumento Circle hanggang mamayang alas 11:59 ng gabi.

Ang mga sasakyan na galing EDSA patungong Potrero, Malabon ay pinapakanan sa Mc Arthur.

Kung galing EDSA naman at patungo sa Sangangdaan ay kakaliwa naman sa A. De Jesus at saka kakanan sa 10th Avenue.

Kabilang din sa mga apektado ang mga galing Sangangdaan patungong Balinatawak, galing Maynila at Rizal Avenue patungong EDSA at angmga galing sa Malabon patungong Monumento.

Maliban sa Monumento Circle, may iba pang lugar na pagdarausan ng mga aktibidad para sa Bonifacio Day.

Sa Bonifacio Shrine sa Maynila, maaga din ang ginawang paghahanda.

Samantala, dahil ngayong araw ay regular holiday, sinuspinde na ng MMDA ang pag-iral ng number coding sa buong Metro Manila.

 

 

TAGS: Bonifacio Day, Monumento Circle, road closure, Traffic Advisory, Bonifacio Day, Monumento Circle, road closure, Traffic Advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.