Dalawang small scale miners ang nakulong sa gumuhong lagusan sa isang mining site sa Itogon, Benguet.
Kinumpirma sa Radyo Inquirer ni Governor Nestor Fongwan ang naturang insidente na aniya ay nangyari kahapon pang alas kuwatro ng hapon. “Alas onse na ng gabi namin natanggap ang unang report tungkol ditto pero alas kuwatro nangyari ang pagguho,” ani Fongwan.
Apat na pung katao ang nagtutulungan ngayon para mailigtas ang dalawang minero na hindi muna pinangalanan ni Fongwan. Taga Itogon at Mancayan ang dalawang na-trap na minero.
Walang pag-ulan sa Benguet nang maganap ang pagguho ng mining site ngunit ayon sa gobernador, ang pagguho ay maaaring dulot ng mga nakalipas na pag-ulan bago pa ang pagdating ng bagyong Hanna.
Sa nakalipas na buwan ay umabot ng labinganim na araw ang walang tigil na pag-ulan.
Ginto ang minimina sa naturang lugar. Ayon kay Fongwan, aalamin pa nila kung nabigyan ng small scale mining permit ang mga minerong na-trap sa Itogon./Gina Salcedo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.