Suhol para mapalaya ang 1,316 Chinese na naaresto sa Clark nasa P200,000 bawat isa-Aguirre

By Jay Dones November 30, 2016 - 04:26 AM

 

Vitaliano AguirreMay nag-alok umano ng P200,000 para palayain lamang ang bawat isa sa 1,316 na Chinese na naaresto kamakailan sa isang Casino sa Clark, Pampanga kamakailan.

Ito ang ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II matapos na madakip ang naturang mga Chinese na iligal na nagtatrabaho sa Fontana Leisure Park and Casino sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ang naturang establisimiyento ay pag-aar ng Macau-based gambling tycoon na si Jack Lam.

Giit ni Aguirre, hindi siya papaya na balewalain ng mga dayuhan ang batas ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan, inihahanda na ng Bureau of Immigration ang deportation proceedding upang mapaalis na sa bansa ang naturang mga Chinese na napatunayang overstaying na dito sa bansa.

Inaasahan pa ng Kalihim na mas marami pang mga dayuhan ang maaresto sa mga susunod na operasyon sa naturang casino matapos ilabas ng korte ang search warrant para mabuksan ang iba pang pasilidad sa naturang lugar.

Ang naturang raid sa Fontana ang pinakamalaking operasyon at pag-aresto sa mga illegal aliens sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.