Kerwin Espinosa, itinangging binawi ang pahayag ukol sa hepe ng Albuera, Leyte

By Jay Dones November 30, 2016 - 04:29 AM

 

espenido kerwinMariing itinanggi ng kampo ng confessed drug lord na si Kerwin Espinosa na binawi na nito ang pagsangkot kay Albuera chief of police, Chief Inspector Jovie Espenido sa illegal drugs trade.

Ayon kay Atty. Leilani Villarino, walang katotohanan ang naturang impormasyon at nagulat na lamang sila nang mabalitaan ito.

Giit ni Villarino, naninindigan si Kerwin sa lahat ng kanyang sinabi sa pagdinig ng Senado noong nakaraang linggo.

Sa nasabing pagdinig aniya, wala namang sinabi si Kerwin na tumanggap ng protection money si Espenido mula sa kanya kaya’t walang dapat na bawiing pahayag ukol dito.

Gayunman, nagalit umano ang kanyang kliyente kay Espenido nang humingi umano ito ng limang porsiyentong ‘balato’ mula sa isang property na pag-aari ng napatay na ama ni Kerwin na si Rolando Espinosa Sr na naibenta nito.

Matatandaang noong Lunes, inihayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na binawi na ni Kerwin ang pagdawit nito kay Espenido sa illegal drugs operations sa kanilang rehiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.