De Lima kay Dayan: Di ko sisiraan ang taong naging bahagi ng buhay ko

By Den Macaranas November 29, 2016 - 07:57 PM

De Lima Smile
Inquirer file photo

Tiniyak ni Sen. Leila De Lima na hindi siya magsasalita ng anumang bagay laban sa kanyang dating driver, bodyguard at lover na si Ronnie Dayan.

“Kahit ganun ang ginawa ni Ronnie Dayan sa akin, hindi po ako yung klase ng tao na sisirain ko ang isang tao na naging bahagi ng buhay ko. That’s not me. Hindi ko gagawin yan sa kanya”. Paliwanag ni De Lima.

Dagdag pa ng mambabatas, “Kami lang ang nakakaalam kung ano ang naging relasyon namin. Kami lang ang nakakaalam. Alam nya kung sino ang may kasalanan, kung bakit natapos na yung relasyon na yan”.

Inamin din ni De Lima na nagbigay siya ng pera para maipatayo ang bahay ni Dayan sa lalawigan ng Pangasinan pero kanyang nilinaw na ito ay personal niyang pera at hindi galing sa nakaw na pera ng pamahalaan.

Sinabi ng mambabatas na hindi naman umabot sa P2 Million ang kanyang naiambag sa pagpapatayo ng bahay taliwas sa naging pahayag  ni Dayan sa pagdinig ng Kamara kamakailan.

Ang nasabing pera umano ay galing sa kanyang kinita bilang isang election lawyer bago pa man siya naitalagang pinuno ng Commission on Human Rights at Department of Justice.

TAGS: dayan, de lima, duterte, dayan, de lima, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.