Bagong Korean telenovela app, inilunsad ng Inquirer
Pormal nang inilunsad ang bagong mobile application na “VIU” na magiging partner ng mga KPop at Koreanovela fans.
Ginanap ang launching ng nasabing application sa Ascott Hotel sa Bonifacio Global City at isa sa media partner nito ay ang Inquirer Group of Companies.
Sa naging talumpati ng managing director ng PCCW Media Group na si Janice Lee, sinabi nito na very excited silang ilunsad ang VIU sa Pilipinas dahil maraming Filipino ang taga-hanga ng mga Korean Popstars.
Ang VIU app ay magsisilbing entertainment hub ng mga Koreanovelas na matagal nang tinatangkilik ng mga pinoy.
Iba’t ibang Koreanovelas ang libreng mapapanood sa VIU app at mayroon na agad itong english subtitle para mas madaling maintindihan ng mga Filipino viewers.
Bukod dito, libre at hindi na kailangan magbayad ng registration fee para lamang ma-download ang VIU app.
Libreng mapapanood ng mga KPop at Koreanovela fans ang kanilang mga paboritong episodes ng Korean films at mag-browse ng mga Korean news.
Samantala, sinabi naman ni Inquirer Group President and CEO Sandy Prieto-Romualdez na swak na swak sa mga taong gusto ng “immediacy at flexibility” ang VIU app.
Available na para ma-download ang VIU app sa Apple Store at Google Play o maaari rin bisitahin ang kanilang website na www.viu.com.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.