Eroplano na sinasakyan ng Brazilian Football team bumagsak sa Colombia
Nag-crash ang isang eroplanong may sakay na 80 katao sa bulubunduking bahagi ng Colombia.
Kinumpirma ni Madellin Mayor Federico Gutierrez na kabilang sa sakay ng eroplanong may aircraft license number na CP2933 ang mga kasapi ng Brazilian Football team
Mula sa Bolivia ang nasabing eroplano ng bigla itong bumagsak sa Medellin City bagong maghating-gabi oras sa Colombia.
Nakatakda sanang maglaro sa finals ng South American Club ang mga kasapi ng Chapecoense Football team laban sa pambato ng Madellin City na Atletico Nacional.
Dahil sa naganap na insidente ay kinansela na ang nasabing laro.
Kasalukuyang nagsasagawa ng rescue operations ang mga otoridad sa lugar sa pag-asang may mga nakaligtas sa nasabing plane crash.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.