Signal #2, itinaas sa Batanes, habagat, darating sa Metro Manila bukas-PAGASA

11855635_10153377433729792_6296430579036443597_nNagbabala ang Philippine Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) sa posibleng storm surges na aabot sa 14 meters ang taas sa Batanes kasama na ang Itbayat.

Signal number#1 naman ang iiral sa Calayan at Babuyan group of Islands at Northern Cagayan kung saan malalakas na hangin na 30-60-kph ang tatama sa naturang mga lugar.

Samantala, inaasahan namang mararanasan na sa Metro Manila ang hanging habagat simula bukas, Sabado .

Sa ngayon, ang Southern Tagalog kabilang ang Bicol ay dumaranas na rin ng epekto ng hanging habagat matapos itong manalasa sa Visayas at Mindanao.

Gayunman, inaasahan din ng PAGASA na hindi gaanong matindi ang daranasing habagat sa Metro Manila at Luzon dahil palabas na at mabilis ang takbo ng bagyong Hanna

Inaasahang mag-lalandfall sa Eastern Taiwan bukas.

Kaninang alas sais ng umaga, si Hanna ay nasa 460km east northeast ng Itbayat, Batanes./Jake Maderazo

Read more...