FDCP Chair Liza Diño kay Baron Geisler: “Sumusobra ka na”
Hindi palalagpasin ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang panibagong kontrobersiyang kinasangkutan ng aktor na si Baron Giesler.
Sa Facebook Post ni Liza Diño, chairperson ng FDCP, sinabi nitong walang respeto sa sining si Baron at wala itong puwang sa industriya.
Tiniyak ni Diño na may legal na aksyon na gagawin ang FDCP laban kay Baron at hindi na mauulit pa ang ginawa ng aktor sa iba pang mga artista.
Ang isyu ay kaugnay sa ginawang pag-ihi ni Baron sa kapwa niya aktor na si Ping Medina habang kinukunan ang eksena nila sa shooting ng pelikulang “Bubog” ni Arlyn Dela Cruz.
Wala sa script ang ginawang pag-ihi ni Baron kay Medina na noon ay nakatali ang kamay at paa at may takip sa bibig bilang bahagi ng eksena.
“We may not have guilds here who can really protect the welfare of our film workers but I will make sure this will never happen again to any actor. Legal action should be taken against YOU. I will make sure our council sees this through,” ayon kay Diño.
Dagdag pa ni Diño, binababoy ni Baron ang propesyon na nagbibigay ng kabuhayan sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.