Dating Binibining Pilipinas candidate, arestado sa drug buy-bust operation sa Maynila

Photo courtesy of Kathleen Cano
Photo courtesy of Kathleen Cano

Naaresto ang isang dating kandidata ng Binibining Pilipinas na si Mariafe Garlit matapos mahuling gumagamit ng iligal na droga sa isang buy-bust operation sa Sampaloc, Manila.

Nasabat din mga operatiba mula sa suspek ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Kasama ring inaresto ang umano’y pangatlo sa target drug personalities ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na si Ma. Lovella Rival, 43 anyos.

Si Rival ang target ng operasyon at siya ang pinagbilhan ng asset ng pulisya na nagpanggap na buyer ng droga.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Taong 1992 nang sumali sa Binibining Pilipinas si Garlit kung saan nagwagi pa ito ng Miss Photogenic award.

 

Read more...