Baron Geisler, gumawa na naman ng eksena sa shoot; kapwa aktor, inihian kahit wala sa script

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2016 - 06:50 AM

Baron Geisler and Ping MedinaUsap-usapan na naman sa social media ang aktor na si Baron Geisler matapos nitong ihian ang kapwa aktor habang nasa gitna ng take para sa eksena sa pelikulang Bubog.

Dismayado ang direktor ng pelikula na si Arlyn Dela Cruz sa inasal ni Baron na kinuha at binigyang pagkakataon niya sa kaniyang mga pelikuka kahit pa hindi kaila sa industriya ang pagiging alcoholic ng aktor.

Kwento ni Dela Cruz, namg dumating sila sa set sa Subic para sa shooting ng Bubog, sinabi pa sa kaniya ni Baron na limang araw na itong hindi umiinom dahil na rin sa kahilingan ng kaniyang ina na maysakit.

Ito rin ang kwento ni Baron sa kapwa niya aktor na si Ping Medina. Sa Facebook post ni Medina, nagkwento pa umano sa kaniya si Baron na nais rin niyang makabalik sa ABS CBN o sa GMA.

Nanghiram pa umano sa kaniya ng P200 si Baron para ipambili daw ng pagkain pero beer ang ipinabili ni Baron.

Nang dumating ang oras na kukunan na ang eksena sa pagitan ni Baron at Ping, alam umano ni Ping na nakainom si Baron.

Sa script, bilang isang police asset ay mabibiktima si Ping ng extra judicial killing kung saan isa si Baron sa mga suspek na papatay sa kaniya.

May takip sa bibig, nakatali ang kamay at paa ni Ping sa eksena. Bago ang take, bumulong pa umano sa kaniya si Baron na mayroon itong gagawin na sana ay hindi ikagalit ni Ping.

Napaisip si Ping na baka duraan siya sa mukha ni Baron pero dahil simula na ang eksena at may takip ang kaniyang bibig, wala na siyang nagawa.

Nagulat na lang si Ping at lahat ng nasa set dahil habang kasagsagan ng take kung saan nagmamakaawa si Ping kay Baron na huwag siyang papatayin, ibinaba ni Baron ang zipper ng pantalon at inihian si Ping.

Dahil sa galit, matapos matanggal ang gapos, nasuntok ni Ping ang bakal sa set dahilan para maospital siya at halos maoperahan pa.

Sa hiwalay na FB post, ipinaliwanag ni Baron na ipinagpaalam umano niya sa dorektor ng pelikula na “mayroon siyang gagawin sa eksena”.

Gayunman, ayon kay Dela Cruz, maliban sa malinaw ang nakasulat sa script, paulit-ulit pang ipinaliwanag kay Baron ang kaniyang character sa pelikula.

Maliban sa nagkaroon pa ng rehearsal, ipinakita din ni Dela Cruz sa mga aktor kung anong dapat na lumabas sa eksena.

Panawagan naman ni Ping sa mg Indie film makers, isiping mabuti bago bigyan ng proyekto si Baron at huwag hayaang babuyin ng aktor ang industriya.

TAGS: Baron Geisler, Bubog, Ping Medina, Baron Geisler, Bubog, Ping Medina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.