2 miyembro ng Abu Sayyaf, patay sa engkwentro sa Zamboanga City

By Dona Dominguez-Cargullo, Josephine Codilla-Radyo Inquirer contributor November 29, 2016 - 06:41 AM

Photo from Philippine Navy
Photo from Philippine Navy

Patay ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf matapos maka-engkwentro ang mga tauhan ng Philippine Navy sa Zamboanga City.

Nagsasagawa ng maritime patrol ang mga tauhan ng Philippine Navy kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police sa Sitio Niyog-Niyog, barangay Muti, nang maka-engkwentro ang dalawang suspek na tauhan umano ni ASG sub-leader Marzan Ajijul.

Namataan ng mga otoridad ang isang motorized pump boat sakay ang dalawang suspek na nangingikil umano sa mga mangingisda sa lugar.

Nang sitahin ng mga tauhan ng Navy at PNP, agad bumunot ng baril ang dalawa, dahilan para paputukan sila ng mga otoridad.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang kalibre 45 na baril, isang granada at plastic sachet ng hinihinalang shabu.

 

 

TAGS: 2 ASG killed in Zamboanga City, Philippine National Police, philippine navy, 2 ASG killed in Zamboanga City, Philippine National Police, philippine navy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.