Panay Island, Guimaras at Negros, inuulan ng matindi ayon sa PAGASA
Nagpalabas ng heavy rainfall warning ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa tatlong lugar sa Visayas Region.
Nakataas ang Orange rainfall warning sa Panay Island, Guimaras at Negros na nangangahulugang nakaranas ng matinding pag-ulan sa tatlong lugar sa nakalipas na isang oras at inaasahang tatagal pa hanggang sa susunod na dalawang oras.
Ayon sa PAGASA, umabot na sa 15mm hanggang 30mm ang dami ng tubig ulan na naibuhos sa tatlong lugar.Dahil dito, nagbabala ang pagasa sa posibleng pagbaha at landslides sa tatlong lalawigan.
Pinapayuhan din ang Disaster Risk Reduction and Management Council sa Panay, Guimaras at Negros na bantayan ang sitwasyon./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.