P1.20 hanggang P1.50 oil price hike, simula na ngayong umaga

By Kabie Aenlle November 29, 2016 - 03:50 AM

 

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILMatapos ang katiting na dagdag sa presyo ng langis na ipinatupad noong nakaraang linggo, biglang taas naman ang ipatutupad na price increase ng mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Base sa anunsyo ng iba’t ibang kumpanya ng langis, mahigit piso ang idadagdag nila sa kada litrong halaga ng kanilang mga produkto.

Magpapatupad ng P1.50 na dagdag sa halaga ng kada litro ng gasolina, habang P1.20 naman sa presyo ng kada litro ng diesel ang Shell, Phoenix, Eastern, Unioil, PTT, SeaOil, Total, Jetti, Petron, epektibo alas-6:00 ng umaga.

Gayundin ang Flying V na mas maagang nagpatupad simula pa kaninang hatinggabi.

Magkakaroon rin ng P1.40 na dagdag sa halaga ng kerosene ang Petron, SeaOil, Shell at Flying V.

Ito na ang nakikitang epekto ng pagbagsak ng halaga ng piso kada dolyar noong mga nakaraang linggo, dahil dolyar ang ipinambibili sa mga inaangkat na produktong petrolyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.