Suspek patay, sampu sugatan sa ‘knife attack’ sa Ohio State University

 

Mula sa CBS News

Isang suspek ang nag-amok sa Ohio State University (OSU), dahilan para masugatan ang hindi bababa sa walo katao at para i-lock down ang paaralan.

Ayon sa pinakahuling impormasyon na ibinigay ng mga otoridad, napatay na ang suspek na biglang umatake sa pamamagitan ng pag-aamok gamit ang kutsilyo.

Base sa inisyal na imbestigasyon, gumamit pa umano ang suspek ng sasakyan sa simula ng kaniyang pag-atake at naganap ang buong pag-atake sa labas.

Ayon sa isang testigo, nakita niya ang isang lalaki na bigalng naglabas ng malaking kutsilyo at nagsimulang habulin ang mga tao.

Dahil sa dami ng mga tao, wala siyang na-target at napuruhan, pero kinailangan pa siyang paputukan ng mga pulis nang tatlong beses bago siya tuluyang tumigil at bumagsak.

Naganap ang insidente sa labas ng Watts Hall ng unibersidad, na kanilang materials science at engineering building.

Inanunsyo naman ng OSU Emergency Management na ligtas na ang lugar, pero kinansela na rin nila ang iba pang mga klase sa buong araw.

Mapalad namang hindi mapanganib sa buhay ang mga natamong sugat ng mga biktima na dinala sa tatlong magkakahiwalay na ospital.

Read more...