Kerwin Espinosa, binawi ang pagdawit sa hepe ng Albuera police sa droga

By Kabie Aenlle November 29, 2016 - 04:05 AM

 

espenido kerwinDahan-dahan umanong binawi ng confessed drug lord na si Kerwin Espinosa, ang kaniyang mga naunang akusasyon laban kay Chief Inspector Jovie Espenido na hepe ng Albuera police sa Leyte.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa, personal niyang nakausap si Espinosa noong Sabado ng gabi.

Dito aniya sinabi ni Espinosa na hindi tumanggap si Espenido ng pera mula sa kaniya, at iginiit pa na matinong pulis si Espenido.

Nabanggit rin ni Espinosa kay Dela Rosa na tumanggap ng pera sa kaniya noon si Espenido pero hindi para sa personal niyang pangangailangan, kundi para panggastos sa kanilang simbahan.

Kwento pa aniya sa kaniya ni Espinosa, sa tuwing ite-text niya si Espenido, laging Bible verse ang isinasagot nito sa kaniya at hindi kumakagat sa drug money.

Nang kumpirmahin ni Dela Rosa, sinabi ni Espinosa na nadadawit lang ang pangalan ni Espenido pero malinis aniya ito.

Samantala, hindi naman isinailalim sa restictive custody si Espenido sa kabila ng mga akusasyon sa kaniya sa pagdinig sa Senado dahil ayon kay Dela Rosa, may isinasagawa pa silang imbestigasyon.

Mas naniniwala rin aniya siya kay Espenido ngayon lalo na’t binabawi na ni Espinosa ang kaniyang mga naunang akusasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.