PNP Chief, magpapadasal para umulan sa Nov. 30 Marcos burial protest

By Ruel Perez November 29, 2016 - 04:42 AM

 

Ronald Dela Rosa2Wala umanong gagawing preparasyon o paghahanda ang pamunuan ng PNP sa panibagong kilos protesta na isasagawa ng mga tutol sa Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani.

Sa halip na maghanda, sinabi ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa na uutusan nya ang lahat ng mga pari ng PNP na ipagdasal na umulan sa Nobyembre a-30 sa ikinakasang panibagong kilos protesta ng mga tutol sa Marcos burial.

Biro ni Bato, itoy para hindi makapagtipon-tipon ang mga magra-rally na kontra sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa LNMB.

Pero, paglilinaw ni Bato, hindi nila haharangin ang mga ralliyista sa mga kalsada at mga parke basta hindi naman sila lilikha o gagawa ng kaguluhan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.