PLDT at Globe nagkasundong magtapyas ng interconnection rate
Ilang araw makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na bubuksan niya ang telecom industry sa mga foreign players ay nagkasundo ang PLDT/Smart at Globe na ibaba ang kanilang interconnection rate para sa voice calls.
Sa kanilang pahayag, sinabi ni PLDT Director of Regulatory Affairs and Policy Office Ray Espinosa na simula sa January 1, 2017 ay magiging P2.50 na lamang ang interconnection rate per minute sa pagitan ng PLDT/Smart at Globe.
Ito ay higit na mas mababa mula sa kasalukuyang P4 para sa landline to mobile at P3 naman para sa mobile to landline.
Ipinaliwanag ni PLDT Chief Revenue Officer Eric Alberto na titiyakin nilang hindi makaka-apekto ang bawas presyo sa maayos na koneksyon sa sistem ng dalawang higanteng telcos.
Magugunitang sinabi ni Duterte na kapag hindi inayos ng PLDT at Globe ang kanilang serbisyo ay papayagan niya ang ibang foreign companies na pumasok sa telecom industry sa bansa.
Sa nasabing advisory rin ay sinabi ng PLDT at Globe na patuloy ang kanilang mga proyekto para mapalakas ang internet connection sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.