Liderato ng Senado at Kamara mag-uusap ukol sa pag-aresto kay De Lima

By Jan Escosio November 28, 2016 - 08:41 PM

Pantaleon-Alvarez-Koko-Pimentel
Inquirer file photo

Makikipagpulong sina Senate President Koko Pimentel at Senator Ping Lacson sa mga kongresista sa pangunguna naman ni House Speaker Bebot Alvarez.

Ayon kay Lacson ito ay para magkalinawan ang dalawang bahagi ng Kongreso ukol sa plano na pagpapa aresto kay De Lima dahil sa umano’y payo nito kay Ronnie Dayan na magtago at huwag pumuta sa imbestigasyon ng Kamara sa iligal na droga.

Ayon kay Lacson, iniiwasan nila na magkaroon ng komprontasyon sa kanilang hanay.

Giit nito kung maghahain ng disbarment case o obstruction of justice laban kay De Lima ay hindi nila ito haharangin pero kailangang masunod pa rin ang inter parliamentary courtesy.

Samantala, sinabi naman ni Pimentel na wala naman batas ukol sa inter parliamentary courtesy.

Ito aniya ay nakagawian na lang sa Kongreso para sa maayos na relasyon ng Senado at Kamara.

Dagdag pa ni Pimentel wala pa rin siyang natatanggap na show cause order para kay De lima mula sa Kamara

TAGS: Alvarez, de lima, lacson, Pimentel, Alvarez, de lima, lacson, Pimentel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.