Mga mall owners sa QC inalerto sa banta ng terorismo

PNP patrol
Inquirer file photo

Muling papaalalahanan ng Quezon City Police District ang mga may-ari ng mga malls at iba pang establisyemento na huwag magpaka-kampante sa kanilang seguridad.

Ito ay maakaraang makakita ng isang improvised explosive device (IED) malapit sa U.S Embassy sa Maynila kaninang umaga.

Gusto ni QCPD Director S/Supt. Guillermo Eleazar na mapaalalahanan ang mga security personel na dapat panatilihin ang mahigpit na pagbabantay sa kanilang mga establisyemento para hindi malusutan ng mga masasamang elemento.

Pinayuhan din nito ang publiko na isumbong sa mga pulis ang anumang kahina hinalang aktibidad at mga abandonadong bagay tulad ng mga bags.

Gayunman, sinabi ni Eleazar na bagaman wala namang dapat na ikaalarma ang publiko maige na  maging maingat ang mga ito sa lahat ng pagkakataon.

Kanina ay sinabi ni National Capital Regional Police Office Director Oscar Albayalde na maglalagay sila ng checkpoints sa ilang mga lugar sa Metro Manila kasunod ng naganap na insidente sa Maynila.

Read more...