Ronnie Dayan inilipat ng safehouse dahil sa banta sa kanyang buhay

By Den Macaranas November 28, 2016 - 03:50 PM

Dayan Bato
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Pangasinan Police Provincial Office na inilipat nila ng safehouse ang dating driver, bodyguard at lover ni Sen. Leila De Lima na si Ronnie Dayan.

Ipinaliwanag ni S/Supt. Ronald Lee, PNP Provincial Director sa Pangasinan na may ilang kalalakihan silang nakitang umaaligid sa safehouse na una nilang pinagdalhan kay Dayan makaraan siyang humarap sa House Committee on Justice noong nakalipas na linggo.

Mismong si PNP Chief Ronald Dela Rosa ang tumiyak sa kaligtasan ni Dayan makaraan ang pagdinig sa Kamara.

Sinabi ni Lee na dahil sa nasabing banta sa kaligtasan ni Dayan kaya mas minarapat nila na ilipat na lamang ito ng lugar.

Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na anunsyo ang Department of Justice kung kailan mailalagay sa kanilang protective custody si Dayan.

Nauna nang sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na ilalagay nila sa Witness Protection Program si Dayan dahil sa bigat ng kanyang mga testimonya kaugnay sa pagkakasangkot ni De Lima sa illegal drug trade sa bansa.

TAGS: dela rosa, leila de lima, pangasinan, PNP, ronnie dayan, dela rosa, leila de lima, pangasinan, PNP, ronnie dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.