Pagdawit ng kanyang pangalan sa droga binalewala ni Robredo

By Alvin Barcelona November 28, 2016 - 03:45 PM

Leni Robredo
Inquirer file photo

Ipinarating ni Vice President Leni Robredo kay Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang pasasalamat sa pagtatanggol sa kanya laban sa mga gustong isangkot ang kanyang pangalan sa iligal na droga.

Sa isang panayam sa Pili, Camarines Sur ay sinabi ni Robredo na ayaw na niyang patulan ang iba’t ibang akusasyon na ibinabato sa kanya na wala namang katotohanan.

Sinabi ni Robredo na una nang ipinakalat ng kanyang mga kritiko ang mga tsismis na siya ay may boyfriend, na siyay buntis at ngayon naman ay sangkot sa iligal na droga.

Natatawa na lamang aniya siya sa mga balita laban sa kanya at nag-aantay kung anu namang bagong akusasyon na ibibintang sa laban sa kanya.

Nanindigan si Robredo na hindi pa sila nagkikita ni Ronnie Dayan tulad ng gustong palabasin sa mga tsismis at sa Senate hearing lamang niya nakita si Kerwin Espinosa.

Nagpapasalamat aniya siya dahil nilinaw mismo ni Dela Rosa ang isyu tungkol sa iligal na droga na pilit na ikinakabit sa kanya.

Una nang sinabi ni Dela rosa na hindi siya naniniwala na sangkot ang pangalawang pangulo sa droga at walang plano ang administrasyon na idiin ito sa drug trade gamit sina Ronnie Dayan at Kerwin Espinosa.

TAGS: dayan, dela rosa, espinosa, Illegal Drugs, Robredo, dayan, dela rosa, espinosa, Illegal Drugs, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.