Malacañang: Pangulong Duterte hindi nawalan ng malay
Pinabulaanan ng Malacañang na hinimatay o nawalan ng malay si Pangulong Rodrigo Duterte kaninang tanghali habang nasa loob ng palasyon.
Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, walang katotohanan ang mga naglalabasang balita na nag-pass out umano ang pangulo.
Pinabulaanan din ito ni Presidential Communcations Secretary Martin Andanar.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nag-pass lamang sa meeting ngayong hapon ang pangulo sa mga Bangladeshi officials dahil sa may pressing matter na kinakailangan ang atensyon ng pangulo.
Sa ngayon aniya, nakipag pulong na ang Bangladeshi officials sa iba’t ibang pinuno ng ilang government agencies.
Ito ang laman ng media advisory ni Abella sa mga miyembro ng media, “the meeting of PRRD (President Roidrigo Roa Duterte) with Bangladeshi officials has been cancelled due to pressing matters that demand the President’s immediate attention…At any rate said Bangladeshi officials have alredy met with various heads of agencies to discuss matters regarding the heist”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.