IED at 81MM mortar ang natagpuang pampasabog sa Roxas Blvd, ayon sa PNP

By Erwin Aguilon November 28, 2016 - 01:07 PM

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na isang improvised explosive device (IED) at isang 81MM mortar ang natagpuan na laman ng kahina-hinalang bagaheng itinapon sa basurahan sa Baywalk malapit sa US Embassy kaninang umaga.

Ito ay matapos na naunang ideklara ng Manila Police District (MPD) na cellphone at gadgets lamang ang nakita sa loob ng kahina-hinalang package na kanilang dinetonate.

Ayon kay Albayalde, may blasting cap, detonator, cellphone at 9 volts na baterya bilang power source ang nakitang IED.

Habang ang 81MM mortar naman na nakita ay kapareho umano ng ginamit sa Davao City bombing.

Sinabi ni Albayalde na kung sumabog ang IED kaya nitong maapektuhan ang nasa 100 meter radius nito.

Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa US embassy para makakuha ng CCTV footage sa lugar.

Pero ayon sa ilang testigo, isang tao umano na nasa loob ng taxi ang naghagis ng nasabing package.

Ang street sweeper na si Winefreda Francisco ang nakatagpo sa package sa loob ng basurahan na 500 metro lamang ang layo sa US Embassy.

Aniya, nakita niya ang tila bote ng alak na mahigit isang kilo, kulay itim umano ito na may nakapatong na cellphone at may mga wire.

Nang hawakan ni Francisco, nasa mahigit isang kilo umano ang bigat nito at mainit, dahilan para agad siyang humingi ng tulong sa pulis.

Umabot din ng halos dalawang oras na isinara at hindi gumalaw ang traffic sa magkabilang panig ng Roxas Boulevard dahil sa nasabing bomba.

Muli lamang pinadaan ang mga motorista nang madetonate ang bomba at matiyak na ligtas na sa lugar.

TAGS: 81MM mortar, breaking news, IED, roxas blvd, 81MM mortar, breaking news, IED, roxas blvd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.