PNP nagsasagawa na ng case build-up sa 5,000 high value target na nasa narcolist ni Duterte

Ronald Dela Rosa2Inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang kaukulang kaso para sa umano’y mahigit limang libong drug suspects na pawang mga high-value target na nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, gagawin nila ang nararapat na hakbang laban sa mga umano’y high value target.

Paliwanag ni Dela Rosa, ihahanda na nila para mabuo ang mga kaso laban sa mga ito.

 

Samantala, suportado ni Dela Rosa ang babala ni Duterte sa mga drug suspects na huwag nang lumabas ng bahay.

Iginiit ng PNP Chief na hindi naman ibig sabihin na papatayin kaagad ang mga drug suspects kung hindi para lang hindi na sila makagawa ng krimen.

 

Read more...