PNP nagsasagawa na ng case build-up sa 5,000 high value target na nasa narcolist ni Duterte
Inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang kaukulang kaso para sa umano’y mahigit limang libong drug suspects na pawang mga high-value target na nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, gagawin nila ang nararapat na hakbang laban sa mga umano’y high value target.
Paliwanag ni Dela Rosa, ihahanda na nila para mabuo ang mga kaso laban sa mga ito.
WATCH: PNP nagsasagawa na ng case build-up sa 5,000 high value target na nasa narcolist ni Pangulong Duterte | @iamruelperez pic.twitter.com/ZJfhayClPI
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 28, 2016
Samantala, suportado ni Dela Rosa ang babala ni Duterte sa mga drug suspects na huwag nang lumabas ng bahay.
Iginiit ng PNP Chief na hindi naman ibig sabihin na papatayin kaagad ang mga drug suspects kung hindi para lang hindi na sila makagawa ng krimen.
WATCH: Panawagan ni Pangulong Duterte sa mga drug suspects na huwag nang lumabas ng bahay, sinegundahan ni Dela Rosa | @iamruelperez pic.twitter.com/6cUAmu5ZDG
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 28, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.