“I am a Filipino by birth, abode and choice,”-Sen. Grace Poe

 

gracepoe1
Inquirer File Photo

“I am a Filipino by birth, abode and choice.”

Ito ang sagot ni Senator Grace Poe kasunod ng isinampang reklamo laban sa kanyang citizenship, at naglalayong mapatalsik siya sa kanyang posisyon bilang senador.

Ito rin ang isyung ibinabato sa kanya upang hindi siya makatakbo sa panguluhang posisyon sa susunod na eleksyon.

Tinanggap ni Poe ang kaso ng disqualification laban sa kanya, na inihain ni Rizalito David ng Ang Kapatiran Party sa Senate Electoral Tribunal o SET.

Ayon kay Senator Poe, sa isang text message, tinatanggap niya ng maluwag ang reklamo dahil ito ay oportunidad iupang malaman ang katotohanan at upang masagot din sa tamang pagkakataon.

Aniya, binigyan sya ng pagkakataon na tanugin ang tungkol sa kanyang citizenship.

Dumistansya naman ang Ang Kapatiran partylist at nagsasabing si David lamang ang naghain ng kaso, at hindi ang buong alyansa.

Ayon kay Norman Cabrera, pangulo ng Ang Kapatiran, ang kasong inihain ni David ay hindi pangkalahatang posiyon ng kanilang partido.

Si David ay nanindigan na walang alin mang partido o sinumang personalidad na nasa likod niya.

Ngunit ang paniwala ni Poe, istilo ng lumang pamumulitika ang reklamo sa SET laban sa kanya,/Stanley Gajete, Gina Salcedo

Read more...