19 na miyembro na ng Maute Group ang nasawi, 6 na sundalo sugatan sa bakbakan sa Butig, Lanao del Sur

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2016 - 10:05 AM

Butig, Lanao Del SurUmabot na sa 19 na miyembro ng Maute Group ang nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Butig, Lanao Del Sur.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesman, Brig. Gen. Restituto Padilla na Lunes ng umaga, umabot na sa 19 na miyembro ng nasabing grupo ang nasawi habang anim na naman ang nasugatan sa hanay ng mga sundalo.

Tiniyak naman ni Padilla na nasa maayos nang kondisyon ang mga sugatang sundalo na pawang ginagamot ngayon.

Ayon kay Padilla, ang ginawang pagkubkob ng Maute Group sa bahagi ng bayan ng Butig ay pagpapakita na malakas ang kanilang pwersa upang makakalap ng suporta mula sa mas malalaking teroristang grupo.

Sa huling datos ng AFP, nasa 100 lang ang miyembro ng nasabing grupo at mayroon silang 70 armas.

Pero ayon kay Padilla, patuloy ang pag-recruit ng grupo para sa mga bagong miyembro.

Sa ngayon sinabi ni Padilla na nagpapatuloy ang kanilang opensiba sa bayan ng Butig, at ang mga apektadong residente ay inilikas na.

 

 

TAGS: AFP, Butig Lanao Del Sur, Maute Group, AFP, Butig Lanao Del Sur, Maute Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.