Ilang flights kanselado dahil sa sama ng panahon

Photo from MIAA
Photo from MIAA

Kanselado na ang ilang domestic flights ngayong araw dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Marce.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga kanselado ang biyahe ng PAL express na flights 2P 2084 at 2085 Basco-Manila-Basco.

Gayundin ang biyahe ng Skyjet na flights M8 816 at 817 Basco-Manila-Basco. At ang biyahe ng Airswift na T6 8379 at 8380 Manila-El Nido-Manila.

Payo ng MIAA sa mga apektadong pasahero, makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Sa abiso ng PAGASA, kabilang ang Batanes sa makararanas ngayong araw ng pag-ulan dahil sa bagyong Marce.

Read more...