Big time oil price hike ipatutupad bukas

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2016 - 09:01 AM

Oil PriceMagpapatupad bukas, araw ng Martes ng big time oil price hike ang mga kumpanya ng langis.

Mahigit piso ang inaasahang madaragdag sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, inaasahang nasa pagitan ng P1.40 hanggang P1.60 ang madaragdag sa kada litro ng gasolina.

Habang P1.10 hanggang P1.20 naman ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng Diesel at P1.30 hanggang P1.40 naman ang itataas sa kada litro ng kerosene.

Nitong nagdaang dalawang linggo, nagpatupad ng kakarampot na bawas ang mga kumpanya ng langis sa kanilang presyo.

 

TAGS: Big time oil price hike, oil price hike, price monitoring, Big time oil price hike, oil price hike, price monitoring

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.