Hinihinalang bomba natagpuan sa R. Blvd, malapit sa US Embassy

Bomb scare sa R. Blvd | Kuha ni Richard GarciaIsinara sa daloy ng trapiko ang magkabilang-panig ng Roxas Boulevard dahil sa natagpuang kahina-hinalang bagahe 500 metro ang layo sa US Embassy.

Nakita ang kahina-hinalang package sa Baywalk sa southbound lane ng Roxas Boulevard na nasa loob ng kulay orange na basurahan.

Isang street sweeper ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nakatagpo sa bagahe at agad itong tumawag sa Manila Police District.

Nakitaan ang package ng isang cellphone at isa pang gadget na kapwa dinetonate ng mga tauhan ng bomb squad.

Kuha ni Louie Ligon

Isang tauhan ng bomb squad ang sinuotan ng protective gear bago isagawa ang pag-detonate na nagdulot ng hindi naman kalakasang pagsabog.

Dahil sa nasabing insidente, naabala ang daloy ng traffic sa magkabilang panig ng Roxas Boulevard.

Ayon kay Sr. Supt. Joel Coronel, director ng Manila Police District, inaalam na nila kung sinadyang iwanan ang bagahe para ipantakot.

Agad nagsagawa ng paneling ang mga tauhan ng MPD para matiyak na ligtas ang lugar lalo na ang palibot ng US Embassy.

Read more...