Bagyong Marce, nasa loob pa rin ng PAR; Ilocos Region at ilang lalawigan sa Luzon, uulanin
Binabantayan pa rin ng PAGASA ang bagyong Marce na huling namataan sa 225 kilometers West ng Sinait Ilocos Sur.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa kanluran sa bilis na 17 kilometers kada oras.
Ayon sa PAGASA ngayong araw ay inaasahang lalabas ito ng bansa.
Sa weather forecast ng PAGASA, magiging maulap ang papawirin ngayong araw at makararanas ng hanggang sa katamtamang pag-ulan sa rehiyon ng Ilocos at sa mga lalawigan ng Batanes, Apayao, Cagayan at Zambales.
Bahagyang maulap naman na mayroong isolated rainshowers o thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.