Yellow rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Zambales

Nakararanas ng malakas na buhos ng ulan sa lalawigan ng Zambales.

Sa abiso ng PAGASA kaninang alas 7:00 ng umaga, itinaas ang yellow rainfall warning sa nasabing lalawigan, dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Marce.

Inabisuhan ng PAGASA ang mga residente hinggil sa posibleng pagbaha sa mga mabababang lugar.

Samantala, sa susunod na tatlong oras, makararanas din ng pag-ulan sa Bataan dahil sa thunderstorm.

Payo ng PAGASA sa mga residente ng nabanggit na mga lalawigan, mag-antabay sa susunod nilang advisory mamayang alas 10:00 ng umaga.

 

 

Read more...