Brillante Mendoza, muling nakatanggap ng Best Director award

By Kabie Aenlle, Mariel Cruz November 28, 2016 - 04:26 AM

 

Inquirer file photo

Muli na namang nakatanggap ng best director award ang Pinoy filmmaker Brillante Mendoza, ngayon ay mula naman sa 54th Gijon International Film Festival.

Si Mendoza ang tanging nanalo mula sa Pilipinas sa taunang Spanish film festival, para sa kaniyang pelikulang “Ma’ Rosa.”

Matatandaang nagwagi naman ang bida sa nasabing pelikula na si Jaclyn Jose ng best actress sa Cannes International Film Festival, at siya ang kauna-unahang Pilipinong nakatanggap ng nasabing parangal.

Bukod kay Jose, kabilang rin sa mga nasa pelikula ang mga artistang sina Julio Diaz, Baron Geisler, Mercedes Cabral, anak ni Jose na si Andi Eigenmann, Maria Isabel Lopez at Mon Confiado.

Nagpahayag naman si Mendoza ng kaniyang pasasalamat sa bumubuo ng nasabing film festival, sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.