Pabirong pamamalo sa mga babaeng pulis, ikinuwento ni Duterte
Masyado nang maraming bawal sa makabagong panahon, kung ikukumpara noon.
Nabanggit ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pagharap sa mga San Beda law graduates, nang magbiro siya na dapat pinayagan na ng kolehiyo na makapasok doon ang mga babaeng estudyante noong kaniyang panahon.
Baka kasi aniya mas ginanahan siya sa pag-aaral kung may mga babaeng estudyante siyang nakikita lalo na kung magaganda.
Naikuwento pa ng pangulo na siya ang tipo ng taong palabiro, kahit pati sa kaniyang mga babaeng security staff na paminsan-minsan ay pabiro niyang pinapalo sa puwitan.
Ayon kay Duterte, kapag mainit ang kaniyang ulo sa Malacañang, pabiro niya itong ginagawa sa mga babaeng pulis gamit ang kaniyang hawak na folder.
“Ako palabiro ako eh, pati mga babae na pulis pinaghahampas ko yan, yung pwet ginaganun ko, diyan sa Malacanang pag manit ulo ko, dala ko folder ko, isa ka pa,” ani Duterte.
Dagdag ng pangulo, sa panahon ngayon ay marami nang bawal, kaya wala nang gana ang buhay ng mga tao.
Sa kabila naman ng kaniyang biro, nilinaw ng pangulo na batid naman niya kung may nagaganap na sexual harassment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.