Isang “joint commitment” ang dapat daw mabuo ng China at iba pang bansang claimants para bumaba ang tensyon sa lugar at maiwasan ang
sagupaan.
Ayon pa kay US Secretary of State John Kerry, karapatan ng lahat ng bansa ang “freedom of navigation” gayundin ang “overflights” sa mga pinagtatalunang lugar.
At ang pagtatayo ng China ng mga military facilities ay lalong maglulunsad ng “arms race” doon.
Si Kerry ay nasa Kuala Lumpur Malaysia matapos makipagpullong kay Chinese Foreign minister Wang Yi.
Ayon pa kay Kerry, taliwas sa pangako ng China, patuloy ang mga warnings at pagbabawal nito sa lahat ng mga sasakyang dumadaan sa pinagtatalunang lugar.
Sa ngayon, umaabot na raw sa 1,200 ektarya ang na-reclaim ng China sa nakalipas na 18 buwan kumpara sa 40 ektarya na ni-reclaim ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Taiwan sa nakalipas na 45 taon./Jake Maderazo