PNP, mino-monitor ang mga aktibong heneral na sangkot umano sa illegal drug trade sa bansa

By Mariel Cruz November 27, 2016 - 01:17 PM

Bato cryNaniniwala si Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na mayroon pang aktibong police generals na sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

Ito ay bukod pa sa umano’y pagkakasangkot ni dating Police Regional Office-8 Director Chief Supt. Asher Dolina, na binanggit ng self confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Senado sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, ibinunyag ni Kerwin na tumanggap umano sa kanya si Dolina ng bribe money o payola kapalit ng proteksyon.

Ayon kay Dela Rosa, masusi nilang inaalam ngayon kung nagretiro na ba o aktibo pa sa serbisyo si Dolina.

Si Dolina ay miyembro ng Philippine Military Academy Class 1983 na senior naman ni Dela Rosa.

Kasalukuyang minomonitor ng PNP ang lahat ng mga pulis na aktibo pa sa serbisyo at sangkot umano sa iligal na droga.

Kinumpirma din ni Dela Rosa na binabantayan din nila ang mga retiradong police generals na sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.